$theTitle=wp_title(" - ", false); if($theTitle != "") { ?>
Mag-aapat na buwan na ako dito sa Cebu. Gaya pa rin ng dati, nocturnal mode kahit tirik na tirik ang sikat ng araw. At gaya pa rin ng dati, kahit ano na lamang ang pinapasok sa lalamunan para lang hindi lupigin ng anumang antok.
Bawat umaga, sasaglit ang isa para magtimpla ng kape. Minsan Trio o Nescafe. Panlaban sa antok. Ikaw ba naman ang matulog at gumising ng madaling araw. Minsan naman ay magtitiis sa isang Fudgee Bar kapag hindi nakapag-almusal.
Kung umuulan o kung labinlimang minuto na lang bago matapos ang lunch break, tatakbo na yan sa kabila ng kalye. May mall kasing katapat. Madaliang Regular Yum at Fries ang pangtawid ng gutom. Walang sawa ang B1, Large Fries at Burger Steak ala Pobre.
Alas tres ng hapon. Kung hindi tatamarin, pupunta sa convenience store. Bibili ng V-Cut. May anghang na nakakagising. At kapag hindi makapagtiis, magtitimpla na naman ng kape. Siguro yung mas matapang. Kung makapal-kapal pa ang bulsa, susugod sa mall at bibili ng kung anu-anong chichiria para sa magdamagang pagtatrabaho.
Mahilig ako sa pizza. Nung nasa Davao pa ako, yun ang palaging nililibre sa akin kasi nga paborito ko. Pero ngayon, nakakaumay na. Ikaw ba naman pakainin ng 14-inch na pizza, hindi ka ba uumayin? Pinamigay ko na nga ang nag-iisang slice ng pizza na hindi ko naubos.
Tingin ko nga’y lumulobo na ang tiyan ko sa kain ng kain. Ang dating maluwang na pantalon ay fit na fit na.
Gumasta ako ng 300 kanina pambili ng kape, iced tea, choco oatmeal at Vcut, in case of office emergency.
Leave a reply