from codinghorror.com

(from codinghorror.com)

Namamaga po mata ko. Siguro dahil natulog ako ng alas dose kagabi at nagising ng alas 8 ng umaga. Nasa opisina pa rin ako kahit Sunday na Sunday ngayon. At pinipilit ko pa ring maniwala na bukas ay trabaho pa rin kahit may biglaang holiday.

Binabayaran kami para sa tatlong araw ng trabaho para sa linggong ito. Pero pitong araw po kaming kusang pumapasok dahil sa project na mahigpit ang schedule.

Sumasakit na nga talaga ang mata ko at hindi na malamig ang icebag na knina pa nakapatong sa lamesa ko.  Mag-aalas otso na at sa tingin ko’y aabutan pa ng umaga ang lumalamig nang dalawang slice ng pizza sa harapan ko.