Ako po ay nasa kalagitnaan ng opisina. Masakit po aking mata. Nkktulog ng alas-3 ng umaga, gumigising ng alas-5 y’media. Nkkarating ng opisina alas 7 y’media. Umuuwi ng alas dose ng gabi. Minsan naman ay umuuwi ng maaga. Alas dos, o alas kuwatro ng madaling araw.

Ako po sa kasalukuyan, ay nag-aaral gumawa ng installer. Para sa project namin.  Release pala namin sa susunod na buwan. Maingay pala dito. Sa sobrang stress ng mga tao, nangangagat, nananapak, misan sumisigaw. Buti na lng at sabado ngayon. Hindi mo namamalayan, isa ka na sa tumatawa.

Muntikan ng nasira ang server namin. Hindi mkpaglog-in kasi nasira ang isang DLL sa WinLogon dahil sa kakalikot ng kasama namin. Buti na lang at may gumawa ng Safe Mode. Kinakalikot na naman niya ngayon. Restart ng restart. Mabagal daw kasi ang Virtual Box para sa testing.

Ala una ang meeting tym namin ngayon, week-end kasi. Pero dahil maaga kaming natulog kanina, alas dos ng madaling araw, alas dose ng tanghali na ako nkgising. Nanuod kasi kami ng Final Fantasy. Nklimutan ko napanood ko na pala yun. Nagsayang pa ako ng oras. Alas tres na ako nakapunta ng opisina.

Sa susunod na linggo, dalawa ang holidays ng Pilipinas. Ibig sabihin, babawasan na naman ang allowance namin sa susunod na linggo.  Magrereview din ng detailed design, pero dahil holiday, mapipilitan kaming pumunta ng opisina para tapusin lang ang DD.

Alas siete na ng gabi. Kinakalikot pa rin ng TL namin ang server. At nagbabasa pa rin ako ng kung anu-ano para sa project namin. Nababagot na po ako.

Sayonara. さよなら